Thursday, January 25, 2018

Cam Norte, naghahanda na para sa Bantayog Festival, Founding Anniversary


DAET, Camarines Norte (Bicol Standard) -- Nagsimula na ang paghahanda ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte para sa ika-14 na Bantayog Festival at ika-98 Founding Anniversary ng probinsya.

Ito ay ayon sa utos ni Gob. Egay Tallado, na naglalayon na maging maayos at maganda ang pagdiriwang ngayong taon.

Nitong nakaraang Martes, nagpulong ang Provincial Tourism Opertions Division sa pamumuno ni Ginoong Bong Palma kasama ang mga komitiba tulad ng Committees on Specific Activities, Committees on Logistics at iba pang Support Functions. Ito ay upang ilahad ang mga plano para sa malaking okasyon na dinadaluhan hindi lamang ng mga taga Camarines Norte, kung hindi pati ng mga galing sa ibang probinsya at bansa.

Ang Bantayog Festival at Founding Anniversary ng Camarines Norte ay ipinagdiriwang tuwing buwan ng Abril.

Tampok dito ang mga makukulay na mga parada, sayawan, at mga patimpalak.

Binibigyan din ng pagpapahalaga si Gat Jose Rizal, na inalayan ng bantayog sa Daet, Camarines Norte, dalawang taon pa lamang matapos ang kanyang pagkabaril.
Share:

Featured Post

Give the gift of creativity with Arog Kaito art fair in Daet!

DAET, Camarines Norte (Bicol Standard) -- Bicol Standard is a proud sponsor of a two-day art fair featuring the finest young creatives of...