[Latest News][6]

2016
Achievers
Advisory
Agriculture
Albay
Albay News
Announcements
Banner
Bicol
Bicol Express
bicol local news
bicol local newspaper
Bicol News
bicol news latest
Bicol Songs
Bicol Vigilantes
Bicolana beauties
Bicolano achievers
Bikol news
Binibining Pilipinas
Business
Camarines Norte
Camarines Sur
Caramoan Massacre
Case in Point
Catanduanes
Celebrations
Church
Column
Community
Contributions
Culture
Daet
Daraga
Development
Disaster
Documents
Drugs
Economy
Editorial
Education
Entertainment
Environment
Events
Feature
Features
Filipino News
Food
Food Trip
Government
Headlines
Health
Human Interest
Infographics
Infrastructure
Iriga
Iriga City
Isipon Osipon
Jobs
Jokes
Kantang suanoy
Legazpi
Legazpi City
Letters
Libmanan
Lifestyle
Ligao City
Live
Masbate
masbate city
mayon
MayonPH
Media
Mining
Modelo Bikolano
Nabua
Naga
Naga City
Nagueno
Nation
National
News
News Bullets
OFW
Opinion
Oragon
Orgullo
Palarong Bicol 2014
Palarong Bicol 2015
Penafrancia
Penafrancia 2014
Photos
Places
PNR
Police
Police Report
Politics
Polls
Power
Power Watch
Rawitdawit
Region
Science
Sorosgon
Sorsogon
Sorsogon City
Sorsoson
Special
Sports
Tabaco City
Tigsik
Tips
Tourism
Trending
Trivia
Videos
virac
Weather
Weekly Roundup
Who reads Bicol Standard
Willy Bayola
World
Youth

Catanduanes Vice Gov. Teves: 'Probinsya muna bago pulitika'

Response of Vice Governor Jose "Bong" Teves to the
State of the Province Address (SOPA) of Gov. Cely B. Wong
January 26, 2015
SP Session Hall

Sa ating mahal na Gobernadora Hon. Governor Cely Wong; sa aking kasamahan sa Sangguniang Panlalawigan ng ating probimsya; mga panauhin, isang magandang araw sa inyong lahat.

Isang taon na naman ang mabilis na lumipas sa ating panunungkulan at naririto na naman ako sa inyong harapan upang ilahad ang aking pagsuporta sa kasalukuyang administrasyon sa mabubuting adhikain at programa nito. Andito rin po tayo upang magbigay ng pagpapa-alala at minsan ay pagpuna, kung saan sa tingin natin ay minsan ay kinakailangan ito.

Humaharap din ako sa inyo ngayon upang paalalahanan ang sampu ng aking mga kasamahan sa Sangguniang Panlalawigan na bagaman tayo ay masasabi kong nagtatrabaho ng masigasig at tapat nitong nakaraang taon ay gayun pa man kailangan pa nating mas pag-igihan ang ating pagsusumikap at pagpupunyagi upang mas lalo pang mabigyan natin ng maganda tapat at nararapat na serbisyo ang ating mga nasasakupan.
To the members of the Sanggunian of this province let me take this opportunity to salute and personally thank you all for a job well done this past year. But then again I equally and strongly urge you for us all to even work harder for the good of our constituents.

Gaya nga ng nasabi ng ating mahal na Gobernadora marami pa tayong kailangang gawin. Madam Governor, allow me also to take this opportunity to thank you for continually working as hard as ever to make our province and the lives of our people better. From day one in your office nakita po natin ang inyong dedikasyon sa inyong paglilingkod bilang gobernador ng ating probinsya. Sa dahilang ito patuloy ang suporta ko sa inyo at pati na rin ang ating Sanggunian.

Madam Governor kapansin-pansin po ang ilan sa inyong mga reporma at trabaho sa nakaraang taon. Halimbawa na dito ang mga reporma na ipinatupad ninyo sa EBMC; ang improved tax collection natin sa nakaraang taon; ang pagsugpo at patuloy na kampanya laban sa paggamit at distribution ng illegal drugs; kapuna-puna rin po ang paglatag ninyo ng magandang pundasyon ng iyong mga programang pangkabuhayan sa ating mga magsasaka, mangingisda at iba pang mga ordinaryong mamamayan ng ating probinsya. Ipagpatuloy niyo po ito at maaasahan ninyo ang aking suporta kasama na rin ang ating mga Sangguniang Panlalawigan members.
Kamakailan lamang may ilang sector tayong naririnig at kung paminsan ay nagtatanong kung ano raw ang plano ni Bong Teves sa 2016. May mga naniniwala at nag-uudyok sa inyong lingkod na tayo ay dapat nang umakyat sa pwesto bilang gobernador or congressman. Maraming salamat sa naniniwala.

Bago pa man uminit ang usaping ito ako na po ang magsasabi sa inyo na ang ganito pong mga usapin ay makapaghihintay. Hindi po ito ang pinag-tutuunan ng pansin ng inyong lingkod sa ngayon. Isa lang po ang misyon ni Bong Teves ngayon at ito ay lalo pang pag-igihin ang buhay ng bawat Catandunganon. Ang dedikasyon ko ay para sa mga mamamayan ng Catanduanes. Ang interes ko ay interes ng bawat Catandunganon.

Sa dahilang ito ay nakiki-usap ako sa lahat ng supporters ng ating Mahal na Gobernadora, sa kanyang mga advisers, na kalimutan po muna natin ang pulitika. Huwag po ninyong masamain ang pag-iikot ko sa buong isla upang magsagawa ng iba’t-ibang programa at konsultahin ang ating mga kababayan kung ano ang kanilang mga hinaing at kahilingan. Hindi po ba mainam na dalawa kami ng ating gobernadora ang umiikot upang malaman at matugunan ang problema ng bawat Catandunganon? Pabayaan ninyo na po ang inyong lingkod na mag-ikot at magsilbi sa nakararami at hindi lamang paupo-upo sa session hall at tatanggap ng sahod tuwing kinsenas at katapusan. Nandito si Bong Teves upang magsilbi at iyon po ang patuloy nating gagawin habang tayo ay nasa posisyong itinalaga sa atin ng taong bayan.

Modesty aside, inuudyukan ko po kayo na gayahin ninyo ang aking patakaran sa SP. Iba-iba man ang aming partido at lado nagkakaisa naman kami sa mithiing mapabuti ang Catanduanes. Lagi kong sinasabi sa ating mga Provincial Board Members na sa lahat ng panahon ang galaw natin, ang mga batas nating ipapasa ay lagi nating isaalang-alang ang mga programa ng ating butihing gobernadora. Kailangan natin siyang suportahan basta ito para sa ikabubuti ng ating probinsya.

Tulad nga ng sinabi ni Pope Francis na dalawang linggo pa lang ang nakakaraan ay bumisita sa ating bansa ang sabi nya, “Ang tunay na kapangyarihan ay nangangahulugan ng paglilingkod ng tapat, pagmamahal sa pamilya at pagmamahal sa Diyos.” Di naiiba sa patakaran ng inyong lingkod, si Bong Teves ay mahal ang ating probinsya dahil ang ating probinsya ay itinuturing niyang kanyang pamilya.

Inuulit ko kalimutan po muna natin ang pulitika. PROBINSYA MUNA BAGO PULITIKA.

Sa pagkakataong ito I would like to take liberty to humbly remind our beloved governor of some matters of concern from the Legislative side.

Madam Governor, lahat po ng authority na hiningi ninyo sa amin di naming ipinagkait sa inyo dahil alam naming ito’y makakatulong sa inyong mga programa.

Isa na po dito ay ang authority na magkaroon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) to establish a provincial office in Catanduanes. Nasaan na po ito?

Kung inyo pong mamarapatin mahalaga ito sa ating mga kababayan na may sakit at kailangan magpagamot di lang sa probinsya kundi lalong-lalo na sa Manila. Kung tayo po ay mayroong PCSO local dito sa probinsya malaki ang maitutulong nito sa pasyenteng kailangan dalhin sa Manila upang ipagamot dahil dito pa lang kung mayroon tayong PCSO plantsado na kung saang ospital at doctor pupunta ang ating mga kababayan. Makakatulong din ito upang makakuha ng karagdagang pondo upang maipagamot ang kababayan nating may sakit. Sana po matugunan ninyo ito sa lalong madaling panahon.

Maaalala rin po natin Madam Governor na tatlong beses na tayong dinaanan ng bagyo kamakailan, bagyong “Luis”, “Ruby” at “Amang”.

Sa bawat pagkakataon ang ating mga kababayan sa Buyo District ay naghihirap sa dahilang lagi na lang nasisira ang Buyo Bridge. Naaprubahan na po namin ang budget para dito sana po ay maipatupad niyo na po ito sa lalong madaling panahon. Hindi po nagkulang ang Sangguniang Panlalawigan dito at kung inyong mamarapatin sabihan niyo lang po kami kung mayroon pa kaming maitutulong upang mapabilis ang pagsolusyon sa problema ng ating mga kababayan sa Buyo District at tutugunan namin ito.

Gaya po ng nasabi ko na kanina Madam Governor, patuloy ang aming suporta sa Sanggunian sa inyong administrasyon.

Sa pagkakataon naming ito, Madam Governor hayaan niyo po ang inyong lingkod naman ang humingi ng inyong suporta. Tulungan niyo ako sa aking matagal ng krusada na ayusin ang power crisis sa ating probinsya. Malapit na po ang buwan ng Marso at tag-init na naman. Ayon din sa Department of Energy magkakaroon ng shortage ng power simula sa buwan ng Marso at dahil dito kailangan na nating solusyunan ito bago pa man lumala ang sitwasyon.

Hindi na naman po siguro lingid sa inyong kaalaman na ilan sa mga power players sa ating probinsya ay kailangang pag-aralan sa dahilang ang mga kontrata nito ay kapuna-punang hindi makatarungan sa ating mga consumers. Inuuna pa ang salapi at hindi ang pagbibigay ng tapat at maayos na serbisyo sa kanilang mga consumers. Pagtuunan po sana ninyo ito ng pansin sa lalong madaling panahon bago pa muling lumala ang power crisis sa atin na sa ngayon nga ay unti-unti na nating nararamdaman.

Pinakahuli Madam Governor, kasama ko ang SP, kami ay humihingi ng inyong suporta sa aming bagong krusada. Alam po natin na halos isang taon na na patuloy na bumaba ang presyo ng gasolina krudo at iba pang pampetrolyong produkto subalit ang FICELCO rate, transportation rates lalung-lalo na ang pamasahe sa ferry boat ay di man lang bumaba ng kahit kaunti. Kasama na rin dito ang presyo ng ilang prime commodities na dapat sana ay bumaba na rin.

Sana po atasan ninyo ang ating appropriate provincial offices and agencies na tulad ng DTI, LTFRB at ng PPA na obligahin ang mga business entities na ibaba ang presyo ng mga produkto at serbisyong kanilang binibigay para naman kahit papaano ay makatulong sa ating mga kababayan.

Di naman po siguro lingid sa inyo na from 100 US Dollars ay bumaba na sa more or less 40 US Dollars per barrel sa pandaigdigang merkado ang presyo ng petrolyo. Wala pong rason para hindi tayo magbaba ng presyo dito sa ating probinsya.

Sa Manila at sa marami nang probinsya sa buong archipelago na marahil ay alam niyo na rin ay nagbaba na ng mahigit sa 20% ang pamasahe sa mga public transportation kabilang na dito ang plane surcharges na bumaba na rin ng 20%. Kaya’t nagtataka po ang inyong lingkod bakit dito sa ating probinsya ay di nagagawa ito. Madam Governor, tulungan niyo po kami sa krusadang ito. Di po namin kaya ito ng mag-isa subalit sa tulong ng inyong liderato kakayanin natin ito para sa ikabubuti ng ating mga nasasakupan.

At this point Ladies and Gentlemen, in behalf of the Sangguniang Panlalawigan, I express our profound gratitude to our Honorable Governor for her hard work and sacrifices for the good of our province and its people.

Sa inyo pong lahat na naririto at nakikiisa sa amin sa napakahalagang okasyong ito, marami pong salamat. Magandang Buhay sa inyong lahat!

Good day and God Bless Catanduanes!
Bicol news | Albay news | Camarines Norte news | Camarines Sur news | Catanduanes news | Daet news | Iriga City news | Ligao City news | Masbate news |Masbate City news | Naga City news | Sorsogon news | Sorsogon City news | Tabaco City news | Virac news | Bicol Standard on Facebook | Bicol Standard on Youtube | Bicol Standard on Instagram | Bicol Standard on Google+ | Bicol Standard on Pinterest | Latest news in Bicol region | Bikol news | Bicol newspaper | 

Bicol Standard

Bicol news

Start typing and press Enter to search